Bad news para sa mga motorista.

Asahan muli ang napipintong pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.80 hanggang P0.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina,at P0.75-P0.85 naman marahil ang idadagdag sa presyo ng diesel at kerosene.

Ang nakaamba na price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tuwing Martes sa bawat linggo nagpapatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis.

Ito na ang ikaapat na sunod na oil price hike.

Sa tatlong linggong dagdag-presyo sa mga petsang Agosto 31, Setyembre 7 at 14, umabot na sa kabuuang P1.90 sa diesel, P1.45 sa kerosene at P1.30 naman sa gasolina.

Bella Gamotea