Sa kabi-kabilang mga isyung ibinabato kay Toni Gonzaga matapos ang kanyang panayam kay dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang vlog, may mga tao pa rin ang patuloy na humahanga sa aktres dahil sa paninindigan nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/14/toni-gonzaga-inulan-ng-kritisismo-matapos-ang-panayam-kay-bbm/

Katulad na lamang ni Lolit Solis, sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang saloobin niya tungkol sa paghanga niya kay Toni.

Aniya, maraming bashers ang nakialam sa ginawang panayam ni Toni kay Bongbong.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hanga ako kay Toni Gonzaga, Salve. Nanindigan siya sa ginawa niyang interview kay Sen. Bongbong Marcos. Marami ang bashers na nakialam sa ginawang interview ni Toni kay Bongbong na hindi naman pinag usapan ang pulitika sa interview kundi iyon buhay pamilya at kabataan nito," ayon kay Lolit Solis.

"Sana naman maisip natin na kung anuman ang naging nakaraan ng mga magulang nila, bigyan natin ng pagkakataon ang mga anak. Kung may kasalanan nagawa ang magulang, sana naman ibukod natin sa paghusga sa mga anak. Ano ang puwedeng gawin ng isang anak lalo pa at mga bata pa sila sa gustong gawin ng mga magulang nila ? Hayaan natin mahusgahan sila sa sarili nilang performance ng away from the shadow of their parents," paglalahad niya.

"Huwag tayong sarado ang puso at utak. Bigyan natin ng fair chance ang susunod na generation na ibigay naman ang puwede nilang gawin,"

"Bow ako kay Toni Gonzaga, nanindigan siya sa kanyang action. Ipinaglaban niya ang kanyang paniniwala. Salute Toni Gonzaga . Fighting !!" dagdag pa niya.

https://www.instagram.com/p/CT5-vKbp301/

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/13/bongbong-marcos-im-really-tired-of-hearing-lies-that-have-already-been-disproven/