Sasabak ang Kapamilya singer-actor na si Iñigo Pascualsa Hollywood matapos mapabilang sa lead casts ng isang Fox musical drama, “Monarch.”

Sa ulat ng Deadline nitong Miyerkules, Setyembre 15, bibigyang buhay ni Pascual ang karakter ni Ace Grayson, kinupkop at inituring na apo ni Dottie Cantrell Roman na karakter ni Susan Sarandon sa American drama.

Maliban sa premyadong Academy Award-winning actress na si Susan Sarandon, makakasama ng Kapamilya actor ang ilan pang kilalang personalidad sa Hollywood kabilang na si Albie Roman, Beth Dittio, Trade Adkins, at Anna Friel.

Kasunod ng ulat ng Deadline ang selebrasyon ng ika-24 kaaarawan ni Pascual kung saan opisyal niyang kinumpirma ang balita matapos nitong i-post ang screengrab ng ulat sa Instagram.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“The news is out… craziest birthday. Sorry for keeping it for so long,” paglalahad ni Pascual.

Screengrab ng Instagram post ni Iñigo Pascual

Kilala ang young singer-actor sa hit mga hit songs na “Dahil Sa’yo,” at “Catching Feelings” at sa ilang mga proyektong pinagbidahan kabilang ang “Boyette” kasama si Zaijian Jaranilla at Maris Racal noong 2020.