Iniutos na ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa isang opisyal ng pulisya na naglabas ng maselang bahagi ng kanyang katawan sa harap ng isang saleslady ng isang shopping mall sa Legazpi City sa Albay, kamakailan.

Paliwanag ni Eleazar, inatasan na niya siBrig. Gen. Jonel Estomo, hepe ng Bicol Police Regional Office (PRO-5), na isailalim sa psycho fitness test ang nasabing pulis na may ranggong "Major."

Hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng opisyal habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Ang insidente ay naganap sa Hong 1 Mall saF. Imperial St., Brgy. Tinago, nitong Setyembre 15. Naiulat na pumasok ang opisyal sa ikalawang palapag ng mall at lumapit sa isang saleslady kung saan bigla na lamang inilabas ang maselang bahagi ng katawan nito.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Dahil sa pagkagulat at takot, kaagad na tumawag ng mga security guard ang babae at inaresto ang naturang pulis.

Gayunman, pagdating sa presinto, hindi na naghain ng demanda ang babae matapos silang magkasundo ng suspek, ayon kay Legazpi City Police chief, Lt. Col. Rodelon Betita.

Sa kabila nito, pinagpapaliwanag pa rin ni Eleazar ang suspek kaugnay ng hindi katanggap-tanggap na inasal nito.

“Humihingi ako ng paumanhin sa biktima ng pangyayaring ito at sa kanyang pamilya, kasama ang pamunuan ng mall at sa ating mga kababayan sa maling asal na ginawa ng pulis na ito.

Aaron Recuenco