Tiniyak ni vaccine czar Carlito Galvez na magbibigay ng karagdagang 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang COVAX facility.

Sabi nito, donasyon ng Estados Unidos ang mga COVID vaccine mula sa Pfizer.

Matatandaan na nauna nang nangako ng anim na milyong doses ng Pfizer vaccine ang US pero dinagdagan pa nila ito ng 4.5 milyon doses kaya’t sa kabuuan ay nasa 10 milyon na ito.

Mismong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang nagpunta sa US para personal na magpasalamat sa pamahalaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Beth Camia