Mukhang nasa bakasyon ang engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay batay sa kanilang mga Instagram posts na nasa beach sa Siargao, kasama ang kanilang pamilya at anak ni John Lloyd Cruz kay Ellen na si Elias.

Batay sa kanilang mga kuhang larawan ay mukhang enjoy na enjoy naman sila. Mukhang komportable rin ang junakis ni JLC sa kaniyang future stepfather.

Ellen Adarna, Derek Ramsay, at Elias (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ellen Adarna, Derek Ramsay, at Elias (Larawan mula sa IG)

Ellen Adarna, Derek Ramsay, at Elias (Larawan mula sa IG)

Ellen Adarna, Derek Ramsay, at Elias (Larawan mula sa IG)

Sa Instagram post ni Derek, isang netizen ang nagkomento na para umano silang sina Angeline Jolie at Brad Pitt ng Pilipinas.

"Angelina Jolie at Brad Pitt ng Pinas. Bagay kayo. I wish forever na 'yan," saad ng netizen.

Agad na sinagot ito ni Derek: "Naku, naghiwalay sila 'di ba? Lol."

Sina Angelina Jolie at Brad Pitt, na nagkasama sa pelikulang "Mr. and Mrs. Smith", ay naghiwalay na noong 2016.

Nitong Pebrero 2021, umamin sina Ellen at Derek hinggil sa kanilang romantic relationship. Isang buwan matapos nito, engaged na sila.