Pinangunahan ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang pagwasak sa kabuuang 17 video karera at fruit game machines sa mismong harap ng Las Piñas City Police Headquarters, nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ay bahagi pa rin sa anti-illegal gambling campaign ng National Capital Region Police Office at implementasyon ng “No Take Policy” sa lahat ng uri ng protection money mula sa illegal sources, kabilang ang  mga aktibidad sa iligal na sugal.

Sinabi ng opisyal na ang nasabing mga illegal gambling machines ay nasamsam sa sunud-sunod na anti-gambling operations ng pulisya sa lungsod, kamakailan.

Ikinatwiran pa ng opisyal na ang pagsira sa mga gambling machines ay alinsunod sa Executive Order No. 13 na nag-aatas sa pulisya na paigtingin ang paglaban sa illegal gambling sa tulong ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bella Gamotea