Viral ngayon sa Facebook ang three-photo gallery post ng isang account na si Gab Gunthe kung saan makikita ang Video Music Awards (VMAs) debutant na si Olivia Rodrigo na suot ang face shield.

“Hoy, nakafaceshield si Olivia kanina sa VMA HAHAHAHAHA confirmed, Filipino talaga sya!” ang nakakaliw na caption post ng Facebook account.

Sa larawan, suot ni Rodrigo ang pink Versace dress habang ina-assist siya papasok ng isang sasakyan.

Sa mga opisyal na larawan mula sa VMAs red carpet, kumpirmadong ito ang sinuot ng sikat na singer para sa kanyang debut appearance sa naturang music awards.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi naman mapigil ng mga Pinoy na gawanng katawa-tawang komento ang mga larawan ni Rodrigo.

“Di niya talaga matago pagkapilipino niya HAHAHAHA,” ani ng isang netizen.

“Proud to be Pinoy! Thanks face shield!” komento ng isa pa.

Umabot na sa higit 34,000 reactions at 27,000 shares ang viral Facebook post.

Kontroberysal na usapin sa Pilipinas ang paggamit ng face shield sa nagbabanggaang mga rekomendasyon ng mga eksperto at ang mismong polisiya ng pamahalaan ng Pilipinas.

Samantala, isa si Rodrigo sa mga big winners sa 2021 VMAs  matapos maiuwi ang Song of the Year para sa kantang 'Driver’s License,' Best Push Performance Award at ang Best New Artist.

Sa ilang panayam, kinumpirma ng singer na Pilipino ang kanyang lolo at proud ito sa kanyang Filipino roots.