Binahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook page ang naging courtesy visit niya kay Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto nitong Martes, Setyembre 14.

Sa naturang post, ipinaalam ng mayor ang plano sa pagpapatayo ng Mega Dialysis Center ng Pasig government sa Cainta.

Nasa pagmamay-ari ng Pasig LGU ang dalawang lote ng lupa.

Kabilang din sa mga paglalaan ng lupa ang “Socialized Housing Site sa Housing site sa ilalim ng Rosario Floodway People’s Plan.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pagbisita ni Sotto, natalakay din ng dalawang alkalde ang tatlong dekada nang boundary dispute sa pagitan ng Pasig at Cainta.

“Napag-usapan din namin ang 3 dekada nang land/boundary dispute-- hihimayin ito ng mga technical staff natin,’ paglalahad ni Sotto.

“Thank you Mayor Kit Nieto for accomodating us, and also for your advice and insights!”

Ayon kay Sotto, si Nieto ay isa sa kanyang mga hinahangaang alkalde.