Nagpakilig ngayon sa mga netizens ang vlog ni Donnalyn Bartolome kasama ang rising actress na si Aj Raval.

Sa Official YouTube account ni Donnalyn, nag-upload ito ng kakaibang video na sa loob lamang ng anim na oras ay umabot na ito ng 1 Million Views.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa suhestiyon ng isa sa mga subcribers ni Donnalyn, nais niyang ipagawa sa vlogger ang 24 hours girlfriend challenge na hindi naman inurungan ng vlogger kahit first time niyang gagawin.

Ang napili ng vlogger na maging girlfriend ay isa sa mga hindi maitatanggi na pinapapantasyahan ng mga kalalakihan sa mundo ng social media, si Aj Raval.

Sa vlog, sinundo ni Donnalyn si Aj sa bahay nito at pagkatapos ay pumunta ito sa bahay ng vlogger kung saan naman niya sinorpresa ang dalaga.

Bida rito ang mga balloons at dito narin binigyan ni Donnalyn si Aj ng teddy bear, bulaklak, at regalo.

Sobrang saya naman ni Aj Raval dahil first time nitong may nagsurprise sa birthday niya.

"Nakakatuwa, totoo yung tuwa ko ngayon. First time ko lang na ganto kasi sa birthday ko, normal lang," ani niya sa vlog.

Ginawa rin ng dalawa ang pag-exercise nang magkasama kagaya sa ginagawa ng mga magjowa kung saan sobrang sweet nila sa isa't-isa.

Nakuha rin ng dalawa ang tampuhan at matamis na banat at da moves.

Marami ngayong ang kinikilig at nagsasabi na may chemistry ang dalawang dalaga. Dinagsa ng maraming positibong komento ang extreme jowa challenge ni Donnalyn.

Ngayon, lumagpas na sa dalawang million ang views ng vlog at mayroon din itong 164k likes.