Balik-puwesto sa gobyerno ang ang kontrobersyal na dating hepe Philippine National Police (PNP) na si Gen. Debold Sinas bilang isa sa mga undersecretaries ng Opisina ni Pangulo.

Kinumpirma ito ng ilang Malacañang beat reporters nitong hapon ng Sabado, Setyembre 11 sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Gaganap sa kanyang bagong tungkulin sa executive branch si Sinas apat na buwan matapos itong magretiro at palitan ng ngayo’y PNP chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang hepe ng higit 220,000 puwersa ng pulisya.

Matatandaan ang insidenteng kinasangkutan ni Sinas matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng kaniyang “mañanita”o birthday party noong Mayo 2020 habang siya pa ang kumander ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Probinsya

Bangkay ng vlogger, natagpuang nakagapos, balot ng t-shirt ang mukha at may busal sa bibig!

Sa panahong ‘yon, matindi ang pagpapatupad sa ilang hakbang laban sa coronavirus disease (COVID-19) kagaya ng social distancing at mga pampublikong pagtitipon.

Sa mga larawang naibahagi sa social media, tila nilabag ni Sinas at ng kanyang mga kasamang pulis ang quarantine protocols matapos maglunsad ng isang kasiyahan.

Ipinagtanggol naman ng pangulo si Sinas kaugnay ng insidente.

Nitong Biyernes, Setyembre 9, itinalaga ng Pangulo si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. bilang deputy director-general ng National Security Council (NSC).

Ang pagkakatalaga kay Sinas at Parlade ay patunay sa kagustuhan ng Pangulo na maging katuwang sa gabinete ang mga retiradong pulisya at heneral ng militar.

Ellson Quismorio