Patay ang dalawang pulis-Cabanatuan City nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Magsaysay ng nasabing lungsod, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang dalawa na kinilalang sinaStaff Sgt. Allan Capinpin, 43, at Staff Sgt. Aries Dichoso, 39, kapwa nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan City Police, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Kaagad namang iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng imbestigasyon at tiniyak sa pamilya ng dalawang biktima na mabibigyan ito ng hustisya.

Sa paunang ulat, nag-uusap ang dalawang pulis sa loob ng bahay ni Capinpin sa Brgy. Magsaysay nang dumating ang dalawang lalaking naka-motorsiklo at pinagbabaril ang mga ito, dakong 10:00 ng gabi.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Binigyang-diin naman ni Eleazar na saklaw ng isasagawang pagsisiyasat ang pagtukoy sa mga suspek at motibo sa krimen.

Aaron Recuenco