Pabirong nagpa-shout out si Ogie Diaz kay Paolo Contis na magsalita na ito hinggil sa isyung kinasasangkutan niya ngayon, sa hiwalayan nila ni LJ Reyes, at pagkakaugnay sa kanilang dalawa ni Yen Santos.

Sa latest entertainment vlog ni Ogie na 'Ogie Diaz Showbiz Update' kasama ang guest co-host na si Tita Jegs, tila nanawagan na si Ogie kay Paolo na basagin na ang kaniyang katahimikan para matuldukan na ang isyu, at hindi na madawit ang kung sino-sinong mga tao sa isyu.

Tita Jegs at Ogie Diaz (Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ng sambayanang Pilipino ang pagsasalita ni Paolo Contis para sa kaniyang panig. Habang hindi pa nagsasalita si Paolo Contis, ay wala siyang choice kung hindi ang mahusgahan siya ng mga netizens, alam mo namang napakadali ang manghusga, hindi ba, syempre yung iba hindi abala sa buhay, aba'y inaabala na lang nila ang kanilang sarili sa pagko-comment sa mga isyu, lalo na rito sa industriya natin," saad ni Ogie.

Kaya naman payo niya kay Paolo na dati na niyang nakakasama sa mga tv shows: "Kaya Paolo ha, magsalita ka na ha, naku, or else…" naputol naman ang sasabihin niya dahil natawa siya sa biro ni Tita Jegs na baka mapagkamalan siyang pipi dahil hindi siya nagsasalita.

Sa pagkakakilala umano ni Ogie kay Paolo, wala siyang matandaan na naging karelasyon niya na siniraan niya. Feeling umano ni Ogie, ay wala siyang sasabihing hindi maganda hinggil kay LJ, at nakatitiyak din siyang aakuin ni Paolo ang pagkakamali kung bakit nagkalamat at humantong sa hiwalayan ang kanilang 6 na taong relasyon.

Payo pa ni Ogie, mas makagagaan umano sa pakiramdam ni Paolo kung magsasalita na siya, upang makahingi na ng sorry kay LJ.

"Sa tingin mo ba, aaminin din niya yung tungkol sa kanila ni Yen?" biglang tanong ni Tita Jegs.

"Iyan ang hindi ko alam, Jegs, kasi hindi pa nga rin 'yan sinasabi sa akin ni Paolo, pero feeling ko, sa mga nakita nating photos at videos, si Yen nga 'yun. Pero hindi kasi natin alam kung may istorya sa likod nito, 'di ba, kaya hindi rin natin nariringgan si Yen Santos; kung siya ba yung third party, o may iba pang third party…" wika ni Ogie.

Sinabi rin ni Ogie na nagawan na ng memes si Paolo kasama sina Aljur Abrenica at Gerald Anderson na may pamagat na 'Kanino ka aangkas' memes. Ito raw ay pinagsama-samang larawan ng mga nasasangkot sa pagiging babaero.

Tita Jegs at Ogie Diaz (Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz)

As of this writing, wala pa ring inaamin si Paolo o maging si Yen.