Naka-isolate na si Pasay City Rep. Antonio Calixto matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Aniya, nakararanaslamang siya ng bahagyang sintomas ng COVID-19.
Isinailalim din aniya sa swab test ang mga close contacts nito, partikular ang mga miyembro ng kanyang pamilya at lumabas na negatibo sila sa virus.
Pinayuhan din nito ang mga empleyadongnakasalamuha nito na magpa-swab test at sumailalim sa 14 na araw na quarantine bilang pagsunod sa payo ng mga health experts.
Kaugnay nito, nanawagan din ito sa mga mamamayan ng lungsod na magpabakuna bilang panangga laban sa COVID-19.
Patuloy pa rin aniya ito sa pagwo-work from home habang nagpapagaling sa sakit.
Jean Fernando