Nakiisa ang Amihan National Federation of Peasant Women sa lumalawak na panawagan ng education stakeholders kabilang na ang ilang guro, estudyante at mga magulang para sa muling pagbubukas ng pisikal na klase sa darating na Setyembre 13.
Para sa grupo, “discriminatory" umano ang distance learning na nagpahirap sa kalagayan ng mga magulang at magsasakang kabataang estudyante.
“This opening of classes, peasant women mothers will face again the problem on their struggles and hardship for their children’s distance learning. This exacerbated their already sorry state of surviving the impact of Duterte’s lockdown that led to the losses of their livelihood, bankruptcy, and distraught,” sabi ni Amihan Secretary-General Cathy Estavillo.
Dagdag pa Estavillo, napuwersa sa modular learning ang ilang pamilyang magsasaka na hangad maipagpatuloy ang edukasyon ngayong taong-panuruan.
“Mothers who usually have low educational attainment lacks confidence in tutoring their children, more so in familiarizing themselves with the lessons issued by the Department of Education. They are also engrossed in farm production, trying to earn an income to put food on the table for their children,” pagpupunto ni Estavillo.
Nanawagan ang Amihan para sa “Dapat LAPAT” na solusyon sa pandemya: libreng testing at pagpapagamot; palawakin at pabilisin ang pagbabakuna; ayuda sa pag-quarantine at para sa lahat; at taasan ang kapasidad ng sistemang pangkalusugan.
Isinusulong din ng grupo ang P15, 000 production subsidy para sa mga sektor na umaasa sa agrikultura at halagang P10,000 ayuda para naman sa mga urban-based workers.
Garbriela Baron