Nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo nitong Martes, Setyembre 7.

Dakong 6:00 ng umaga, nagtaas  ang Pilipinas Shell ng ₱0.95 sa presyo ng kada litro ng diesel, ₱0.60 sa presyo ng kerosene at ₱0.50 naman sa presyo ng gasolina.

Gumaya rin sa nasabing hakbang ang Seaoil, Caltex, Petro Gazz, Cleanfuel at PTT Philippines.

Bunsod umano ito ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Eleksyon

Camille Villar, tinugon kritisismo laban sa nanay niyang senador; tinulungang mag-improve ang buhay ng mga magsasaka

Ito na ang ikalawang sunod na oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya.

Nitong Agosto 31, nagtaas ng ₱0.70 sa presyo ng kerosene, ₱0.60 sa diesel at ₱0.40 sa gasolina.

Bella Gamotea