Matapang na nagbigay ng palagay ang sikat na showbiz columnist na si Mama Ogie Diaz na sa tingin niya, hiwalay na ang kabago-bago pa lamang na magkarelasyong sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Sa entertainment vlog ni Ogie na 'Ogie Diaz Showbiz Update,' kasama ang guest co-host na si 'Tita Jegs,' inungkat nila ang napabalitang pag-unfollow ni Kiko sa mismong IG account ng girlfriend, at pagbura nito sa mga larawang magkasama sila, nitong September 1.

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/02/kiko-estrada-inunfollow-ang-gf-na-si-heaven-peralejo-sa-ig-nagkakalabuan-na-nga-ba/

"Feeling ko wala na sila. Feeling ko nag-split na sila, nag-break na sila. Kasi, yung ganyan na nag-unfollow na yung si lalaki doon sa babae, wala na 'yun," kaswal na saad ni Ogie.

Tanong ni Tita Jegs, "Eh bakit si Heaven, hindi niya inunfollow si Kiko? At parang naroon pa mga pictures nila?"

Tugon ni Ogie, "Hayun nga Jegs, mako-confirm natin na talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-unfollow na rin kay Kiko, at magde-delete na rin sila ng photos nila ni Kiko, one way of saying na wala na kami. Yung rason, hindi natin alam, kung anong rason, pero ako… may nakausap ako na talagang wala na sila."

Ayon kay Ogie, ganyan naman daw talaga ang kabataan sa ngayon. Masaya ang pakikipagrelasyon subalit darating sa puntong mararamdaman mong hindi siya ang nakatadhana para sa iyo. Inihalimbawa pa niya sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Kung hindi umano nakilala ni Bea si Gerald at matinding heartbreaks ang pinagdaanan nito, hindi raw sana makikilala ni Bea ang nagpapasaya sa kaniya ngayon na si Dominc Roque. Kitang-kita umano kasi ngayon sa mga mata ni Bea ang kasiyahan.

JOWA REVEAL! Kiko Estrada shares sweet photos with girlfriend Heaven  Peralejo – Manila Bulletin
Kiko Estrada at Heaven Peralejo (Larawan mula sa Balita Online)

"Kaya kailangan magpasalamat tayo sa nakaraan, para ma-meet natin ang ating kasalukuyan," pahayag pa ni Ogie.

Giit pa ni Tita Jegs, "So confirmed? Wala na sila?"

Sagot ni Ogie, "Wala na sila. Wala na silaaaa… para sa akin…" at kumakanta-kanta pa ito habang tumatawa.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula kina Heaven at Kiko hinggil sa dahilan ng pag-unfollow ni Kiko sa gf, at kung hiwalay na ba sila.