Labis ang tuwa ng netizens kay lola Francisca Susano na taga Kabankalan, Negros Occidental na isa sa kinikilala bilang oldest person living in the Philippines.

Larawan: Lovely Hopea Silva Dilao/FB

Si Lola Francisca ay isang butihing ina na may labing-apat na anak. Siya ngayon ay 123 taong gulang at magdidiriwang ng kanyang kaarawan sa darating na September 11.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Ngunit hindi lamang si Lola Francisca ngayon ang umabot sa edad na 100 pataas, ang kanya ring anak na si Magdalena ay nasa 101 taong gulang na sa ngayon.

Larawan: Sofia Faith Sequehod/FB

Ayon sa mga kasama ni lola, siya raw umano ay mahilig kumain ng gulay at prutas kung kaya ito ay malusog pa sa edad na 123.

Base sa Guiness World Records, si Jeanne Louise Calment galing Arles France, isinilang noong February 21, 1875 at namatay sa edad lamang na 122 years old ang kinikilala sa ngayon na oldest living person in the world.

Gusto ng pamilya at ng mga netizens na kilalanin si Lola na oldest living person hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo at maitala ito sa Guinness Book of World Records.

Samantala, matatandaan rin na noong Hunyo 23, 2016 nilagdaan ni dating Pangulong Beningo Aquino III ang RA 10868 o Centenarians Act of 2016.

Sa kasalukuyang batas, ang mga Filipino kahit pa nasa labas ng bansa na umabot ng 100 taong gulang ay dapat makatanggap ng P100,000.

Makakatanggap din sila ng sulat mula sa Pangulo upang batiin sa kanilang ika-100 taon.

Si Lola Francisca ang kaisa-isang Filipino na naabutan ang pamamalakad ng 16 na presidente ng Pilipinas, mula kay dating Pang. Emilio Aguinaldo hanggang kay kasalukuyang Pang. Rodrigo Duterte.