Napa-'sana all' na lamang ang netizens sa komento ng aktor na si Diego Loyzaga sa kaniyang girlfriend na si Kapamilya actress Barbie Imperial sa isa sa mga Instagram posts nito.

Ibinahagi kasi ni Barbie na may 'new baby' na siya. Hindi naman ito bagong boyfriend, kung hindi bagong pinagkakaabalahan: ito ay ang paglalaro ng tennis, na talaga namang maganda sa katawan at kalusugan.

Pabirong komento ni Diego na tila nagseselos, "Akala ko, ako lang baby mo!" na may sad face.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/Barbie Imperial

Kinilig naman ang mga nakabasang netizens sa sinabi ni Diego. Hindi naman tumugon sa kaniya si Barbie.

Sa panayam ng Star Magic sa couple noong pebrero 18, 2021, ibinukas na nila sa publiko ang kuwento kung paano napunta sa romantic relationship ang kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay Barbie, matagal na silang magkakilala ni Diego. Wala pa raw silang 'something' sa isa't isa. Pero pag-amin ni barbie, 'crush' niya umano si Diego.

"Pero that time, wala kaming ano, something. Ano lang, friends lang talaga kami. Pero, crush ko siya noon."

"Parang na-friendzone kaming dalawa sa isa't isa," saad naman ni Diego. Lumalabas umano sila sa mga beach trips pero may mga mutual friends silang kasa-kasama.

Nang pansamantalang nagkaroon ng two-year hiatus sa showbiz ang aktor, isa umano si Barbie sa mga laging nangungumusta sa kaniya.

Lagi rin silang nagiging playmate sa online game na 'Call of Duty.' hanggang sa unti-unti na raw nilang nararamdaman ang sparks sa isa't isa. Noong una, ayaw muna nilang lagyan ng label ang kanilang pagkakamabutihan.

Subalit nauna na ngang umamin si Diego na gf na niya si Barbie sa mismong araw ng Bagong Taon nitong 2021.

"“Happy new year to us. Thanks for making the end of my 2020 memorable. [Let’s] gooo 2021!!” saad ng aktor sa kaniyang IG post.

Makalipas ang dalawang araw, si Barbie naman ang nagkumpirma ng kanilang relasyon sa kaniyang IG post.

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one,” wika ni Barbie.

“Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you,” dagdag pa niya na may hashtag na “#angcheezynibarbie”.

“Pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito."

ONCE MORE, WITH FEELINGS: Diego Loyzaga asserts love for Barbie Imperial – Manila  Bulletin
Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa IG/Barbie Imperial)

Diego Loyzaga reveals relationship with Barbie Imperial
Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa IG/Diego Loyzada)

Bago ang kanilang relasyon, ang huling naging jowa ni Barbie ay si Kapuso actor Paul Salas, habang si Diego naman ay naka-date ang Kapamilya actress na si Sofia Andres.