Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang laban sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco Bolts nitong Linggo ng hapon dahil na rin sa safety at health protocols.
Nauna nang itinakda ang laro ng dalawang koponan dakong 4:35 ng hapon, gayunman, hindi na ito itinuloy dahil sa naging desisyon ng PBA.
Ito na ang ikalawang laban na kinansela mula nang bumalik sa aksyon ang PBA nitong Setyembre 1.
Nitong Sabado, ipinagpaliban din ang laban ng Alaska Aces at San Miguel Beermen sa kahalintulad na dahilan.
Natuloy naman ang sagupaan ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok at ng TNT Tropang Giga, nitong Linggo dakong 4:35 ng hapon kung saan nanalo ang huli sa iskor na 83-76.
Sa laro naman ngTerrafirma Dyip at Blackwater Bossing, namayani ang Dyip, 96-84.