Isa sa mga kontrobersyal na aktres ngayon si Yen Santos, dahil bukod sa kaniyang pelikulang 'A Faraway Land' na napapanood sa Netflix, inaakusahan din siya ngayon bilang 'third party' sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes. Si Paolo ang katambal niya sa nabanggit na pelikula, at ilang araw lamang matapos ang rebelasyon ni LJ kay Boy Abunda, naispatan si Paolo na may kasamang 'Mystery Girl' habang naglalakad sa isang lugar sa Baguio City. Suspetsa ng marami, ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Yen.

Kung tutuusin, 'mystery girl' naman talaga si Yen dahil medyo kontrobersyal din naman ang ilang mga detalye sa kaniyang lovelife.

Si Yen o Lilieyen Leonardo Santos ay laki sa Cabanatuan City. Nagsimula ang kaniyang showbiz career noong 2010 sa pagpasok niya bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010”ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

THROWBACK: Yen Santos' message for 'other women' – Manila Bulletin
Yen Santos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Simula noon ay tuluyan na nga siyang nagkaroon ng ilang mga proyekto sa Kapamilya Network. Napasama siya sa Pinoy adaptation ng Korean drama na 'Pure Love' kasama si Alex Gonzaga noong 2014, 'All of Me' noong 2015, at 'Wildflower' noong 2017.

Subalit mas napansin ang husay sa pag-arte ni Yen sa teleseryeng 'Halik' noong 2018, nang gampanan niya ang legal wife na si 'Jacky' na pinagtaksilan ng kaniyang mister na si Ace (Sam Milby) at Jade (Yam Concepcion) na legal na misis naman ni Lino (Jericho Rosales). Trending ang eksenang binuhusan niya ng tubig sa isang event si Jade habang siya ay naka-itim na gown at talagang kapansin-pansin ang fiercer, bolder, at stronger transformation sa kaniyang hitsura.

Sa tagal na rin ni Yen na showbiz, hindi maiiwasang magkaroon siya ng karelasyon mula rito. In fairness kay Yen ay dalawa lamang ang lalaking naugnay sa kaniya sa showbiz na talagang open book sa publiko: ito ay sina Jason Abalos at Arron Villaflor.

Nagsimula ang kanilang relasyon ni Jason Abalos, na isa sa mga naging contestant ng 'Star Circle Quest' season 2, noong 2011. Apat na buwan lamang ang itinagal ng kanilang relasyon, subalit aniya, labis-labis na heartbreak ang naramdaman niya rito. Sa ngayon, ang nobya ni Jason ay si Vickie Rushton na kinoronahan na 'Mutya ng Pilipinas International 2011' at naging housemate sa 'Pinoy Big Brother: All In' noong 2014 kung saan siya ang itinanghal na 4th Big Placer.

Jason Abalos on voting for Duterte: 'Patawarin nyo ako…' – Manila Bulletin
Jason Abalos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Noong Agosto 27, 2015, inihayag mismo ni Yen na nanliligaw sa kaniya ang Kapamilya actor na si Arron Villaflor, sa 'Tonight With Boy Abunda' (TWBA) ng ABS-CBN. Nagpapadala umano si Arron sa kaniya ng bulaklak at pagkain sa set ng kanilang teleseryeng 'All of Me' kung saan isa sa mga cast members ang aktor. Madalas din umano silang nagkukuwentuhan.

Subalit hindi sila nauwi sa romantic relationship. Ayon naman sa panayam kay Arron noong 2017 sa TWBA, hindi lamang talaga nag-work out ang kaniyang 'panliligaw' noon sa dalaga. Mas ginusto umano nila na maging magkaibigan na lamang. Aniya, nawalan daw sila ng oras sa isa't isa.

MyGayGallery ???? on Twitter:
Larawan mula sa Twitter/Arron Villaflor

Matapos noon ay wala nang na-link pa kay Yen.

Subalit hindi pa rin mawala-wala ang umiikot na alegasyong si Yen ay 'bata' ng isang mayaman at maimpluwensyang pulitiko at negosyante mula sa bahaging Norte ng Pilipinas, na madalas ay nakikita ang mukha sa laban ng isang sikat na boksingero, na pride ng Pilipinas. Hanggang ngayon ay pawang alegasyon lamang ito at hindi pa napapatunayan, o wala pang aminang nagaganap. Talaga umanong 'matinik' sa chicks ang pulitikong ito.

Public Domain Image

At ngayon nga, iniuugnay si Yen kay Paolo subalit wala pa siyang opisyal na pahayag hinggil sa panibagong isyung kinasasangkutan niya, bagama't nilinaw naman noon ni Manay Lolit Solis na wala siyang kinalaman sa isyu ng hiwalayang Paolo at LJ.

Sabi nga ng isang sikat na aktres na dumaan din sa kontrobersya ang lovelife, "Time is the ultimate truth teller."