Naaalala niyo pa ba noong bumida si Yen Santos sa isang infidelity-themed drama TV series na "Halik" noong 2018?

Doon ay isa siyang legal wife sa karakter ni Jericho Rosales.

Kaugnay nito, nagviral ang isang video ni Yen Santos na kung saan may mensahe siya para sa mga tinatawag na "other women."

“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung mga consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli,” ani Yen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo yung gusto mo. Pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo? Pwedeng sa bandang huli, talagang, ibabasura ka lang pala niya...,” dagdag pa niya.

Nakakuha ito ng violent reaction sa mga netizens na nakapanuod ng video clip.

Matatandaan na, pinaghihinalaang "third party" umano si Yen na naging sanhi ng paghihiwalay ng longtime couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“La galing magsalita pero un din ang ginawa….”

“Di wow ikaw pa sumera ng Mensahe mo dai”

“Ay nko kinain mo sinabi mo”

“Big word pero dimo na apply in your own hahha Kung alam sanang pamilyado na ikaw na Sana gumawa Ng way para Hindi makasira Ng pamilya hahahah”

“Yen Santos left the group”

“louder yen! baka nabingi kna eh”

“wow! Coming from you! hahahahah practice what you preach beb..”

https://www.facebook.com/watch/?ref=external&v=319551828880473

Stephanie Bernardino