Tahimik pa rin umano si Lovi Poe at ang kanyang management hinggil sa usap-usapang lilipat na si Lovi sa ABS-CBN.

Ayon sa isang source na nagbahagi sa Manila Bulletin, ang singer-actress ay aalis na nga ng GMA dahil ang paglipat nito sa ABS-CBN ay "done deal" na umano.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa ng source, inilaban pa ng GMA si Lovi ngunit mukhang mas maganda umano ang offer ng ABS-CBN sa kanya. 

Batay sa source, nais ni Lovi na subuking “ikampay ang kanyang mga pakpak,” o "sumubok pa ng mga bagong bagay" at ang ABS-CBN ay handang magbigay ng mga pagkakataon para sa kaniya upang magawa niya ito.

Isang official statement ang inaasahang lalabas umano sa susunod na mga araw.