Hindi nagustuhan ng mga netizens ang mga sinabi sa Instagram ng beteranang manunulat sa showbiz at talent manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis hinggil sa hiwalayan ng kanyang alagang si Paolo at sa karelasyong si LJ Reyes. Sa ipinost na picture nila Paolo at LJ na may kasamang mahabang litanya samut sari ang naging reaksyon ng mga netizens.

Screenshot mula sa Instagram ni Lolit Solis (@akosilolitsolis)

Ani Lolit, “Iyon broken relationship hindi lang ang babae ang hurting. Sa mga nakita ko madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag move on iyon lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang feeling. Ayaw nila na malaman in pain sila, iyon false machismo kadalasan na para bang pag lalaki dapat stronger."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Dapat mas matapang sa pagtanggap ng nasirang relasyon. At kadalasan, para walang masabi na they will regret later, tumatahimik na lang sila. I feel for Paolo Contis and LJ Reyes. Matagal din ang naging relasyon nila, nagkaruon sila ng anak, at ngayon ay hiwalay na sila. Imposible na hindi sila parehong nasaktan. Imposible na hindi sila apektado. Kahit siguro naging mas matindi ang problema kaya hindi nila nakaya at humantong sa hiwalayan , sana naman walang bitterness na mamagitan," dagdag pa niya.

“Nasaktan sila pareho, puwedeng mas sumuko ang isa at hindi nakaya, pero sana iyon naging pagmamahal nila sa isa't isa ang maging lasting memory para narin kay Summer. Puwede naman hiwalay kayo, pero nandun parin sa mga puso nyo ang pagmamahal, dahil nga hindi naman siguro magkakaruon ng isang Summer kung wala ang love." 

 “Sa ngayon, masakit pa, dama mo parin ang pait , ang pain, kaya siguro mas mabuting tahimik muna sila. May mga bagay ka kasing nasasabi na later on, magsisisi ka na sinabi mo pag wala na ang galit sa loob mo. Sa ngayon , damang dama pa nila ang pain, iyon loss, iyon mga dating ginagawa na hindi na nila mauulit dahil hindi na sila magkasama. So sad for Paolo and LJ . It was not meant to be, pero sana makatagpo pa sila pareho ng happiness in their journey. Let Summer be the sunshine in their life. Sana maging friends parin sila.” pagbabahagi ni Lolit.

Screenshot mula sa Instagram ni Lolit Solis (@akosilolitsolis)

Sa haba ng sinabi ni Lolit karamihan dismayado ang mga netizens. Sey nga ng isa, “Coming from the one who spill false information. Dahil sa pag labas mo ng statement kaya nagpa interview si LJ.. Outgrow? Mutual? No 3rd party. Babae ka pero ganyan ka (emojis thumbs down).”

Nagsecond the motion naman ang karamihan sa naging comment ng netizen na sinundan pa ng maaanghang na salita ng ibang netizens tungkol kay Paolo at sa manager nito. 

Gaya na lang nito, “Hindi choice ni LJ yon. Sana mawalan na ng career yang alaga mo at isama ka na. Di mo tinuruan makuntento yan alaga mo. Pareho kayo. Mga asal hayop.”

May isa namang netizen ang nagtanggol. Sabi niya, “wag naman ganun d naten alam ang totoo nangyari 1 side pa lng ang napanood naten. Malay mo yan ang sinabi ni Pao kay Nay Lolit syempre naniniwala sya bilang alaga nya yon. Sana nga lng wala talaga 3rd party ang boomerang nun lahat ay kay Paolo.”

Sa pagsasalita ni LJ tungkol sa hiwalayan issue, opinyon ng mga netizens malaki raw ang magiging epekto nito para kay Paolo. Dahil magiging bagsak daw ang imahe nito sa mga madlang pipol lalot naglalabasan ngayon sa social media na going places at may kasama raw ibang babae si Paolo at si Yen Santos daw ito. How true?

Kung ibabalik ang issue noong hiwalayan nila Paolo at sa dating asawa na si Lian Paz, nagsalita man ang aktor pero never naman itong nagdedetalye for the sake of his children. 

By the way, balitang ongoing pa rin ang annulment nila Paolo at Lian. Sa pakikipag-relasyon consistent ang aktor na siya ang nakikipaghiwalay. Pero nang mga panahon na iyon nagsalita si Lian at inamin na third party daw ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo. 

Dante A. Lagana