Hindi na muna pinalalabas ng bahay ang mga residente sa dalawang barangay sa Caloocan nang isailalim sa 7-day granular lockdown kaugnay ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa kanilang lugar.

Sinimulang ipatupad ang direktiba ni Mayor Oscar Malapitan nitong Biyernes, Setyembre 3, dakong 12:01 ng madaling araw.

Kabilang sa apektado ng mahigpit na lockdown ang 5thStreet, Magsaysay Street, B. Serrano at 6thStreet sa Brgy. 123 atPanay, Guinuguitan, Masbate at Victoria sa H. Dela Costa Homes sa Brgy, 179.

Sinabi ng alkalde, naobligang isailalim sa lockdown ang Brgy. 123 makaraang mapagtala ang City Health Department ng anim na aktibong kaso ng COVID-19 kung saan nasa 119 ang close contacts nito.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Sa Brgy. 179, naitala naman ang 16 na nahawaan ng virus kung saan mahigit sa 100 ang close contacts nito.

Magsasagawa pa ng swab testing at contact tracing sa nabanggit na mga lugar, ayon sa opisyal.

Sa ilalim ng lockdown, mahigpit napagbabawalanang mga residente na lumabas at tanging medical frontliners, government employees, mga pulis, brgy. officials at mga indibidwal na nangangailangan ng medical attention lamang ang papayaganglumabas ng bahay.

Orly Barcala