Nangangailangan ngayon ang Valenzuela City government ng 20 na rehistradong nurse upang maisabak sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ng pamahalaang lungsod, ang mga aplikante ay maaaring makipag-ugnayan sa City Health Office upang makapagsumite ng kanilang aplikasyon.
Ang mga matatanggap na nurse ay itatalaga sa mga isolation facilities, City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at sa mga vaccination centers.
Kaugnay nito, umarangkada na rin ang City Bakuna Shuttle para sa mga nais magpabakuna sa Valenzuela City Astrodome.
Puwedeng sumakay ng libre sa shuttle at kailangang lang na magtungo sa pick–up point sa Wilcon Depot sa Barangay Dalandanan patungo sa nasabing vaccination site.
Orly Barcala