Humingi ng tawad ang sikat na social media influencer at TV host na si Mark Averilla o mas kilala bilang 'Macoy Dubs' sa mga na-offend sa napanood sa isa sa mga videos niya, sangkot ang kaibigan at katrabahong nagngangalang 'CJ.'

Sa naturang video, makikita umanong idinampi ni Macoy ang kaniyang kamay sa pribadong bahagi ng katawan ni CJ. Paliwanag ni Macoy, may consent umano si CJ sa kaniyang ginawa dahil biruan at harutan lamang ito.

"Magkaibigan kami at magkatrabaho. Naghaharutan at nagkukulitan kami sa IG story ko,” saad ni Macoy, na aminado sa kaniyang ginawang 'pagkakamali.' Humingi siya ng dispensa sa pamamagitan ng kaniyang IG stories. nitong Agosto 31, 2021.

"I know some of you find it uncomfy to watch. But please trust me that it is never my intention to make CJ uncomfortable. I'm sorry if you see it that way," pahayag pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinangako naman ni Macoy na magiging responsable na siya sa susunod at hinding-hindi na ito mauulit pa.

Ipinaliwanag din niya na hinding-hindi niya itotolerate ang sexual harassment. Hindi rin umano niya hinawakan ang pribadong bahagi ng katawan ni CJ.

Isang pagkakamali umano na nai-post niya sa social media ang naturang video, kaya marami sa mga netizens ang 'nasaling' o hindi komportable sa kaniyang ginawa.

Macoy Dubs IG story
Screenshot mula sa IG/Macoy Dubs

Macoy Dubs IG story
Screenshot mula sa IG/Macoy Dubs

Macoy Dubs IG story
Screenshot mula sa IG/Macoy Dubs

Pakiusap niya sa publiko, huwag naman sana siyang husgahan sa kaniyang ginawa.

Nakilala si Macoy Dubs dahil sa kaniyang mga nakatutuwa at kuwelang dubbing, subalit mas nakilala siya bilang si 'Auntie Julie.'