Nagbalik-tanaw ang aktres na si Bea Alonzo mga dati niyang panayam at mga binitawang komento sa kanyang pinakabagong Youtube episode nitong Agosto 28, 2021.

Ilan sa mga nakakaaliw na reaksyon ng aktres nang balikan niya ang komentong binitawan niya noong 18 taong gulang pa lamang siya..

“Ngayon siguro yung magiging crush ko… like yung mga ganun, lalaking-lalaki…brusko, bad-boy type. Gusto ko yung may authority kasi matigas ang ulo ko.” (Alonzo, 2005)

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Di napigilang matawa ni Bea sa kanyang comment na ito at inamin niyang mahilig talaga siya sa mga bad-boy type noong kabataan niya.

Gayunpaman, mas mainam pa rin na manatili sa mga good boys, ani ni Bea.

“I therefore conclude, I stick to the good boys! Good boys for the win,” pagbabago ng isip ni Bea habang natatawang binanggit ang mga salita.

Kasunod naman na binahagi ni Bea ang komento niya sa pag-ibig kung saan pinaniniwalaan pa rin umano ng aktres ang prinsipyong ito.

“Una, never settle. Pangalawa, be sure that you’re over somebody else before you get into relationship. No rebounds. You can never erase a mistake with another mistake. Pangatlo, fight for your love. I really think if you want something you should fight for it.” (Alonzo, 2014)

Kinuwento rin ni Bea ang dating frustration niya sa katawan kung saan pinayuhan niya ang kanyang followers na magkaroon ng healthy lifestyle.

Samantala, binunyag ng aktres noong 2018 na hindi ito komportable sa mga live show programs dahil sa tingin niya ay hindi siya ‘likeable’ kumpara sa mga kaibigan at kasabayan sa industriya na sina Anne Curtis, Angelica Panganiban at Angel Locsin.

“Mas komportable akong ginagawa ang characters, kasi pag characters nakakapagtago ka dun sa imahe ng character,” pagbabahagi ni Bea.

“So nanginginig ako sa live shows, I’m working on getting past that,” dagdag ng aktres.

Natutuwa naman si Bea sa unti-unting pagbabago na nakikita sa sarili kung saan ma komportable na ang aktres na ibahagi ang personal na buhay sa publiko.

“Sa totoo lang ngayon, parang feeling ko ang laki na ng pagbabago kasi I’m vlogging now and I am more comfortable about sharing things about my life, about myself,” sabi ni Bea.

Sa huling comment, para kay Bea, isa pa ring ‘choice’ kung bubuksan niya ang kanyang buhay sa publiko.

Kasunod na sinabi ng aktres na hindi niya masisi ang pagtatanong ng publiko ukol sa boyfriend na si Dominic Roque sa ngayon dahil pinili niyang buksan ang bahagi ng buhay niyang ito sa publiko.

Larawan mula kay Dominique Roque (Facebook)

Sa huli ay nagpasalamat si Bea sa kanyang Youtube subscribers na umabot na sa 2 million.

Nasa 226, 214 views na ang nasabing Youtube content sa pag-uulat.