Ibinahagi ni "Aleng Maliit" na si Ryzza Mae Dizon na pursigido siya sa kaniyang fitness journey, lalo na't nagdadalaga na siya.

Sa episode ng isang show sa GMA Network, itinampok ang mga naipundar niya dahil sa maagang pagtatrabaho, matapos siyang manalo bilang Little Miss Philippines 2012 sa "Eat Bulaga" hanggang sa magkaroon na nga siya ng spot sa showbiz. Nakapagpundar na pala siya ng bahay, nakabili na rin ng kotse, at nakapagpatayo ng computer shop sa Quiapo noong 2017.

Bilang pagsunod sa health protocols ay hindi pa nakakalabas ng bahay si Ryzza upang magtrabaho. Ngunit paminsan-minsan ay nakakapag-host naman siya sa EB sa pamamagitan ng video call.

“Sobrang nanibago po ako na lahat ng ginagawa ko, through Zoom na lang po, through gadgets na lang. Hindi tulad ng dati, nakakasama ko ‘yung mga Dabarkads, mga boss po,” pag-amin ni Ryzza Mae.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Screenshot mula sa YT/Ryzza Mae Dizon

Screenshot mula sa YT/Ryzza Mae Dizon

Screenshot mula sa YT/Ryzza Mae Dizon

Habang nasa bahay rin ay ipinagpapatuloy ni Ryzza Mae ang kaniyang online class. At syempre, nagwo-work out na rin siya upang pumayat na at "magkaleeg" na siya. Aniya, pinagagalitan umano siya ng kaniyang ina kapag hindi siya nag-eexercise.

Bukod umano sa pag-aartista, pangarap ni Ryzza Mae na maging isang chef.