Kahit na sikat na celebrity gaya ni Alex Gonzaga ay hindi nakaligtas mula sa mga snatcher, nang mahablot ang kaniyang cellphone habang sila ay nasa kahabaan ng EDSA nitong Agosto 26, 2021.

Ayon sa salaysay ni Alex, nasa EDSA sila nang makita nila ang malaking billboard ni Alex. Kukuhanan sana ito ng larawan ng kaniyang assistant, subalit nangyari na nga ang panghahablot. Agad naman umanong bumaba ang driver niyang si Arvi upang habulin ito.

Alex Gonzaga clears pregnancy rumors on latest video – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Sa tulong ng pulisya, natunton ang tirahan ng snatcher, batay na rin sa mga kuha ng CCTV. Napag-alaman pa ni Alex na ang misis ng snatcher ay subscriber niya sa YouTube. Naibalik naman ang kaniyang cellphone, at binigyan pa niya ng pera ang misis ng snatcher. Hindi na umano siya magsasampa ng reklamo laban dito.

Pinasalamatan naman ni Alex sa Facebook post ang mga pulis na nakatulong sa kaniya.

Screenshot mula sa FB/Alex Gonzaga Official

"Salamat din talaga sa driver ko, kay Kuya Arvi kasi hinabol niya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers," aniya.

Hindi pa rin talaga nawala ang pagkakuwela ni Alex dahil pinasalamatan niya ang misis ng snatcher, na subscriber nga niya.

"And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!" Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin," dagdag niya.

"Si Sofie po may hawak ng phone ko at mabagal takbo ng trapiko kaya noong may pina-picture ako sa kanya, biglang nahablot agad cellphone ko habang hawak niya. Ang pinakamalaking tulong po talaga ay dahil may nahabol at nahuli si Kuya Arvi na isa sa mga snatchers dahil akala nila hindi na sila mahahabol. Kaya thank you po talaga sa lahat ng tumulong," muling pasasalamat ni Alex.