Desidido na si Pangulong Duterte sa pagtakbo nito nilang bise-presidente sa Halalan 2020, ayon kay Secretary Karlo Nograles nitong Martes, Agosto 24.

Pagbubuyag ng kalihim sa panayam sa Radyo Pilipinas, nagkaroon ng pagpupulong ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) nitong Lunes ng gabi na dinaluhan ng Pangulo.

“Doon siya nagbitaw na siya ng salita na tatanggapin na niya ang aming endorsement,” ani ni Nograles.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Kami po lahat ay natuwa, palalpakan kami,” dagdag niya.

Una nang nominado si Pangulong Duterte ng PDP-Laban bilang bise presidente ng partido sa nalalapit na Halalan 2022.

Umaasa si Nograles na tatanggapin ng Pangulo ang pormal na nominasyon para sa gaganaping national convention ng partido sa Setyembre 8.

Ellson Quismorio