TUGUEGARAO CITY - Pinalawig pa ng pitong araw ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.
Ito ang kinumpirma ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) matapos ihayagna pinaninindiganlamang nila ang naunang napagkasunduan sa mga lungsod at bayan na mag-e-extend pa sila ng ECQ kapag lalo pang tumaas ang coronavirus disease 2019 sa kani-kanilang lugar.
Magsisimula itong ipatupad nitong Agosto 22 hanggang Agosto 28.
Matatandaang mula nang ipatupad ang 10-day ECQ noong Agosto-12 ay hindi na bumaba ang kaso ng Covid-19 sa Tuguegarao kung saan umabot na ito sa 1,255 na aktibong kaso niitongAgosto 21.
Liezle Basa Iñigo