Hype na hype talaga ngayon ang sikat na online seller na walang miners ngunit hakot sa viewers na si Daisy Cabantog o mas kilala bilang "Madam Inutz." Kahit kasi mga sikat na artista ay nakuha na rin niya ang atensyon. Isa na riyan ang komedyanteng si Pokwang.

Viral ngayon sa TikTok ang panggagaya ni Pokwang kay Madam Inutz na talagang kinatuwaan ng kaniyang mga followers. Paano ba naman kasi, kuhang-kuha niya ang pagsasalita, kilos, at hitsura nito.

"IMPOSTORA NI MADAM INUTZ!! Hahahaahaa," ayon sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screenshot mula sa Instagram/Pokwang

Simula nang sumikat si Madam Inutz, isa si Pokwang sa mga lumutang na artistang napipisil ng mga tao kung sakaling itatampok ang talambuhay nito sa 'Magpakailanman.' Pangalawa naman ang isa pang komedyante na si Ethel Booba.