Umani ng pinakamalaking tagumpay sa kanyang boxing career si Cuban boxer Yordenis Ugas nang pabagsakin nito ang boksingerong Pinoy na si Manny Pacquiao sa kanilang WBA welterweight fight saT-Mobile Arena sa Las Vegas, nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).
Dahil sa pagkatalo ni Pacquiao, napanatili ni Ugas ang kanyang titulo bilang WBA "super" welterweight champion.
Sa iskor na 115-113, 116-112, 116-112, naitala ni Ugas ang ika-27 na panalo nito.
Matatandaang ipinalit lamang si Ugas kay Errol Spence na umatras sa laban nila ni Pacquiao dahil sa injury ilang araw bago ang itinakdang laban.
Ito na ang ika-walong pagkabigo ni Pacquiao kung saan ang una ay kay Australian Jeff Horn noong Hulyo 2017.
Sa kasalukuyan, may rekord si Pacquiao na 62-8-2, panalo, talo, at draw, ayon sa pagkakasunod.