Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong sa kanyang puwesto dahil sa umano'y pagpapahintulot sa mga electric cooperatives na maglabas ng pondo para kampanya ng isang party-list noong 2019 elections.

Isinapubliko ng Pangulo ang kanyang hakbang batay na rin sa rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na tanggalin si Masongsong sa serbisyo dahil sa kinakaharap na kasong graft.

“The Presidential Anti-Corruption Commission conducted [an] investigation and gave its recommendation to the Office of the President through the Office of the Executive Secretary to dismiss Masongsong from service. This is the pinakabagong ano sa– 'yung administrator mismo ng National Electrification Administrator,” ang bahagi ng pre-recorded public address ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinapubliko nitong Sabado.

Isinasapubliko na aniya nito ang mga pangalan ng mga opisyal na umano'y dawit sa korapsyon upang mabago ang tingin ng publiko sa kanyang kampanya laban sa katiwalian.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

“People are really [skeptical] and [cynical] about our desire to improve government service. We do not claim to, maybe really totally clean government at this time, not even with another president. But from time to time ito, I’m given the opportunity to show the people again that we are not bragging about it but we are trying our best to cope with the situation regarding graft and corruption in our government,” paglalahad ni Duterte.

Sa naunang ulat ng Philippine News Agency (PNA), natuklasan ng PACC na naglabas ng mga board resolution ag mga electric cooperatives bilang pahintulot sa paggamit ng pondo kandidatura ng Philippine kandidatura ng Rural Electric Cooperatives Association para makakuha ng puwesto sa Kongreso bilang party-list.

Ang nabanggit na puweto ay okupado na ni Party-list Rep. Presley de Jesus na nahaharap naman ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Ombudsman dahil sa pagiging presidente nito sa isang local electric cooperative kahit miyembro na ito ng Kongreso.

Paliwanag ng PACC, hindi tinutulan ni Masongsong ang mga probisyon ng board resolutions sa kabila ng pagbabawal sa mga taong nag-o-operate ng public utility na magbigay ng pondo para sa partisan politics.

Itinanggi na ni Masongsong ang alegasyon nitong nakaraang Mayo.