Ibinaba na lamang sa modifiedenhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at Laguna mula Agosto 21-31 sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019, ayon saMalacañang nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque at sinabing inaprubahan ngInter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang nasabing hakbang.

Ang Metro Manila at Laguna ay dating isinailalim sa ECQ mula Agosto 6-20 dahil na rin sa kaparehong dahilan.

Ipaiiraldin ang MECQ sa Bataan mula Agosto 23-31.

National

‘I have no idea!’ Bato, wala raw alam sa ‘reward system’ para sa drug war

Dahil dito, ibinawal muna sa nasabing mga lugar angindoor at al-fresco dine-in services, gayundin ang personal care services, kabilang na ang beauty salons, beauty parlors, barbershops, atn nail spas.

Hindi rin pinapahintulutan ang religious gatherings sa mga tinukoy na lugar.