Nagtatanong ang maraming fans ni Alexa Ilacad kung totoo bang nanliligaw sa kanya ang ka-loveteam niya sa seryeng “Init sa Magdamag” na si Gab Lagman. 

Nangyari ang pagkuwestiyon matapos i-upload ni Alexa sa kanyang Instagram ang larawan nila ng Kapamilya actor na magkaholding hands, nitong Miyerkules, Agosto 18,

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Maraming nagkomento at ang iba’t kinikilig sa nasabing larawan ng dalawa.

"Kayo na ba? Huhuhu," comment ng isang fan.

Sabi pa ng isa,"'Yun oh, in real life din pala,"

Kamakailan lang sa guesting ng dalawa sa morning talk show na “Magandang Buhay,”inihayag ng dalawa na sila'y good friends lamang.

"Nagkakasundo kami as friends. Nandoon 'yung respect. Nandoon 'yung boundaries. So nandoon lahat ng foundation for a good friendship. Nakita naman po ni Gab na willing ako lagi tumulong sa kanya or to just be there for him, umassist sa kanya, umalalay sa kanya. Pati sa personal life namin outside work, ganoon din ako sa kanya," paglalahad ni Alexa.

Sinagot naman ito agad ni Gab, “Actually we really became good friends. Magaling kasi mag-advice on and off. I really appreciate her. I really enjoy working with her talaga."

Ador V. Saluta