Hindi epektibo ang ilang UV (ultraviolet) lamp products laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang reaksyon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire at sinabing ilang Pinoy ang gumagamit ng UV lamps sa pag-sanitize ng kanilang mga gamit na posibleng kinapitan ng virus.

Paglilinaw ni Vergeire, mayroong klase ng UV lamps ang ginagamit talaga sa mga hospital setting at mga klinika.

Gayunman, may mga UV lamps din na hindi naman aniya epektibo talaga laban sa virus, gaya aniya ng mga nabibili sa mga online selling platforms.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

“Pero 'yung mga binibili po natin sa Lazada, katulad po ng mga hinahawakan lang na parang wand o kaya iba pang mga instrumento na UV lamp, ito po ay hindi makakapagbigay ng proteksyon para po sa ating mga kababayan," sabi nito.

Noong nakaraang taon, una na ring sinabi ng DOH na hindi nila inirerekomenda ang public use ng UV lamps para sa disinfection laban sa mga bacteria at virus.

Sinabi na rin aniya ng World Health Organization (WHO) na ang UV lamps ay maaaring magdulot ng pinsala sa paningin, iritasyon sa balat, pagkapaso at makadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa balat.

Mary Ann Santiago