Nilinaw ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi dapat pagbintangan o idawit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa korapsyon kaugnay ng pagkabigo nito na maipamahagi ang ₱780.71 milyong ayuda para sa mga naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019.
Sa kanyang television program na Counterpoint, ipinagtanggol ni Panelo ang DSWD at sinabing hindi nagastos ang pondong nakalaan para sa Social Amelioration Program (SAP) dahil kulang ang listahan ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.
“Iyan pongDSWD,kung meron man diyangunliquidated, simply because ‘yun hong mga bibigyan eh wala doon sa listahan. Kumbaga kulang ang binigay sa kanilang listahan," aniya.
Katunayan aniya, kaagad na umaksyon si DSWD Secretary Rolando Bautista sa usapin at sinabing hindi dapat mangamba ang publiko dahil ibabalik din sa National Treasury ang pondong hindi nagamit.
“Talagang merong mga tao na hindi nakasama sa listahan sa anumang dahilan kaya merong perang naiiwan. Eh yun namang mga perang ‘yun, ibabalik naman saTreasury‘yun kaya walang problema 'yun," paliwanag pa ni Panelo.
PNA