Isinapubliko na ng Malacañang ang panukalang ₱5.024 trilyong budget para sa taong 2022.
“Isusumite na po ang pang-taunang budget para sa susunod na taon at malinaw po na sa ang budget na ito ay ang pinakamalaki pong budget ay para doon sa social services sector. Ibig sabihin para sa inyong pangangailangan sa panahon ng pandemya na umaabot po sa halos ₱2-trillion pesos,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Sinabi pa ni Roque na makakakuha ng malaking budget ang Department of Education (DepEd) na ₱773 bilyon, sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ₱686 bilyon; Department of Interior and Local Government (DILG), ₱250 bilyon; Health Department, ₱242 bilyon at Defense Department, ₱222 bilyon.
“Rounding up the top 10 agencies in terms of budget allocation include: Department of Social Welfare and Development at ₱191.4 billion, Transportation Department with ₱151 billion, Agriculture Department with ₱103 billion and the Labor Department with ₱44 billion,” aniya.
Ang naturang ₱5.024 trilyong budget para sa 2022 ay ang huling budget proposal ng Duterte administration na nakatakdang isumite saNational Expenditure Program sa Kongreso sa darating na Lunes, Agosto 23, 2021.
Beth Camia