Air purifier vs COVID-19? Walang sapat na ebidensya-- eksperto
Walang sapat na ebidensya para mapatunayang nagbibigay ng proteksyon ang necklace air purifiers laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa isang eksperto.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel ng bansa,walang umanong sapat na ebidensya para patunayan na kayang salain ng airpurifier necklace ang particles ng COVID-19.
“If you will look at the results of their study, you will see that it’s not that verified either,” sabi ni Gloriani sa kanyang panayam sa Teleradyo nitong Martes, Agosto 17.
Unang naglabas ng memorandum si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na gawing karagdagang requirement ang necklace air purifier para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.
Hindi natuloy ang naturang memorandum para bigyan ng sapat na panahong makabili ng air purifiers ang mga tsuper.
“To require it for our jeepney drivers, it’s a bit expensive and we haven’t actually determined its effectiveness yet,” sabi ni Gloriani.
Impraktikal para kay Gloriani ang air purifiers para sa mga tsuper dahil aabot ng sampung oras ang pag-charge sa naturang medical device.
“It’s cumbersome, not easy to use, and we do not know exactly how it helps,” dagdag ng eksperto.
“Maybe the danger is complacency. They would think that they already have protection. This wouldn’t last forever and it’s expensive.”
Gabriela Baron