KABUL - Patay ang dalawang lalaki matapos mahulog sa kinakapitang eroplano na kalilipad lamang mula sa Kabul airport sa Afghanistan, nitong Agosto 16. 

Kitang-kita sa video ang pagkahulog ng dalawa mula sa eroplano ng U.S. Air Force.

Bumagsak ang dalawang lalaki sa bubungan, gayunman, binawian na sila ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Bago ang insidente, nagpupumilit ang dalawa na sumakay sa nasabing eroplano upang tumakas sa Kabul matapos na sakupin ito ng mga militanteng Taliban.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Bago mag-take off ang eroplano, nakita pa ang dalawa na nagtatago sa likod ng gulong nito upang makatakas sa kanilang lugar.

AFP