Tuwang-tuwa ang ina ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa sorpresa ng anak sa kaniya: isang bonggang-bonggang balur!

Sa latest vlog ni Vice Ganda, ni-reveal niya ang kaniyang sorpresa sa birthday celebration ng sisteret niyang si Tina.

“Welcome to your new home, Viceral family,” saad sa balloon decoration sa dingding na makikita sa sala.

Shock na shock naman si Nanay Rosario habang si Tina naman, panay tanong kung prank lamang ito.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

“Hindi ko masabi,” saad ni Nanay Rosario, kung gaano umano siya kasaya.

“Wala ka namang dapat sabihin. Just be happy. You deserve this,” pahayag naman ni Vice Ganda.

Binubuo ng tatlong palapag ang naturang bahay, may pitong kuwarto, at isang swimming pool.