Umaabot na sa halos 100,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa habang pumalo na rin sa mahigit 30,000 ang COVID-19 deaths.

Sa datos ng ahensya, nakapatala pa sila ng 14,249 na bagong kaso ng sakit nitong Sabado, Agosto 14, 2021 kaya lumobo na sa 1,727,231 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas. 

Sa naturang bilang, 5.7% o 98,847 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 95.9% ang mild cases, 1.4% ang severe, 1.0% ang asymptomatic, 0.95% ang moderate at 0.8% ang critical.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mayroon rin namang naitalang 11,714 bagong gumaling sa karamdaman sanhi upang umaabot na sa 1,598,314 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.5% ng total cases.

Samantala, nasa 233 pa ang pasyenteng namatay dahil sa karamdaman, sanhi upang pumalo na sa 30,070 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.74% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon rin namang 320 duplicates na inalis nila sa total case count, kabilang dito ang 313 recoveries at isang patay.

Mayroon ring 14 kaso ang unang na-tagged bilang recoveries ngunit nang i-validate ay aktibong kaso pa pala habang may 142 kaso rin ang unang na-tagged bilang recoveries ngunit kalaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

Mary Ann Santiago