Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado.

Paglilinaw ni Roque, nauna nang inanunsyo ni Avisado na mula Agosto 2 hanggang 13 ay naka-medical leave ito matapos tamaan ng coronavirus disease 2019.

Sa ngayon ay tumatayong Officer-in-Charge (OIC) si DBM Undersecretary Tina Rose Marie Canda.

Matatatandaangnahawaan ng virus siAvisado kung saan ay walong araw siyang nanatili sa ospital at halos isang buwang pagsailalim sa quarantine.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod dito, sumailalim na rin si Avisado sa ilang medical examinations dahil 14 na taon na ang nakararaannang sumailalim ito sa quadruple open heart bypass.

Pinawi naman ni Roque ang pangamba na posibleng mapabayaan ang operasyon ng DBM dahil nakatitiyak na epektibo naman sa kanyang pagtupad sa tungkulin si Canda.

Beth Camia