CALASIAO— Iniimbestigahan ng PNP angpagpatay sa isang 37 taong gulang na babae sa Bgy. Quesban sa bayan Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Margarette Abulencia, 37, dalaga, residente sa nasabing lugar, na natagpuan umano ng kanyang kaibigan na nakilalang siDona Ocampo, 29, residente ng Bgy. Gabon Calasiao na wala ng buhay.

Inabutan niya itong nakahiga at duguan sa kanyang kama noong Huwebes ng gabi. Huling nakita ang biktima noong gabi ng Agosto 10, 2021.

Sa isinagawang ocular inspection sa crime scene, may nakitang saksak sa dibdib ang biktima habang nagkalat ang mga personal na gamit nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nangangalap pa ng karagdagang impormasyon ang kapulisan upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.