Sinupalpal ni Jessy Mendiola-Manzano ang isang netizen matapos laitin ang kakakasal lamang na si Angel Locsin sa nobyong si Neil Arce.

Makikita sa comment section ng isang Instagram post ni Jessy na nagkomento ang isang netizen sa kanyang larawan, "Love you Queen (pumapatungkol kay Jessy), mas maganda ka nang di-hamak kay tabachoy na Angel Locsin yuckie."

Tila hindi nagustuhan ng aktres ang komento kaya sinoplak niya kaagad ito, kahit tagasuporta niya.

"Please tama na 'yung ganyan. We are all happy na. Peace and love lang please. Ingat ngayong ECQ,” reaksyon ni Jessy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa IG/Jessy Mendiola-Manzano

Sinegundahan naman si Jessy ng iba pang followers niya. Naka-move on na ang lahat, kaya huwag nang ungkatin pa ng mga netizen na kung tutuusin, wala namang kinalaman sa kung anuman ang nangyaring gusot sa pagitan nina Angel, Jessy at Luis.

“Maganda talaga si Jessy. Maganda rin si Angel. Pero tabas ng dila mo hindi,” pakli naman ng isa pang netizen.

“What did Angel do to you? Your attitude is disgusting! Body shamer! They are both beautiful in their own way,” pagtatanggol naman ng isa kina Angel at Jessy.

Celebrity friends cheer for newlyweds Angel Locsin, Neil Arce – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

LOOK: Jessy Mendiola, Luis Manzano get married – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Matatandaang si Jessy ang itinuturong dahilan ng hiwalayan noon nina Angel at Luis. Naging isyu pa ang umano'y pagpapatutsada ni Jessy kay Angel sa pamamagitan ng 'paggaya' niya sa mga IG post ng huli. Sa ngayon, pareho na silang lumagay sa tahimik kapiling ang kani-kanilang asawa.