Nahaharap sa pinakamalalang pagsipa ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang Cebu City matapos ang 22 porsyentong pagtaas ng kaso sa lungsod sa loob ng pitong araw, ayon sa pinakahuling ulat ng OCTA Research nitong Linggo, Agosto 8.

Binanggit ng OCTA na may 272 average na kaso ng Covid-19 ang lungsod sa pagtatala nila mula Agosto1 hanggang Agosto 7.

Ito ay mas mataas sa 266 na kaso bawat araw noong muling nagkaroon ng surge ang lungsod nitong Pebrero 2021.

Gayunpaman, napansin ng OCTA ang pagbaba ng reproduction number sa lungsod mula 1.51 hanggang 1.69.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

“The peak reproduction number during this current surge was 1.9 on July 22, 2021. The decrease in reproduction number indicates the pandemic in Cebu City may be decelerating,” paglalahad ng OCTA Research.

Nasa 62 porsyento o ‘moderate’ pa rin ang hospital bed occupancy ng Cebu City, habang nasa 81 porsyento o ‘high’ ang kanilang ICU bed occupancy.

Dahil dito, hinikayat ng OCTA Research ang pamahalaan ng Cebu na patuloy na higpitan ang mga hakbang upang lalong mapababa ang reproduction number ng Covid-19 sa lungsod.

Ellalyn De Vera-Ruiz