Binulabog ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ang mundo ng showbiz nitong Agosto 7, 2021, matapos nilang ibunyag na sila ay kasal na: isang simpleng civil wedding na dinaluhan ng ilang malalapit na kaanak at kaibigan, gaya ni Dimples Romana.

Sa "The Angel and Neil Channel" nila ni-reveal na sila ay ikinasal na, sa episode na pinamagatang 'Lipat Bahay Gang.'

"Oh by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married!!!" ayon sa kanilang reveal na makikita sa bandang dulo ng vlog, kalakip ang ilang mga kuhang larawan nila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa YT/The Angel and Neil Channel

Screenshot mula sa YT/The Angel and Neil Channel

Kung tatanawin natin, sino-sino nga ba ang mga naging karelasyon ni Angel bago niya nakamit ang forever kay Neil?

Syempre, unang-una na riyan ang kaniyang first love na si Miko Sotto, subalit maagang sumakabilang-buhay ang aktor noong Disyembre 29, 2003.

Dito na rin nagsimulang makilala si Angel, lalo na nang maging bida sa telefantasya ng GMA Network na 'Mulawin' noong 2004. Bagama't ang katambal niya ay si Richard Gutierrez, sila ni Dennis Trillo ang nagkaroon ng 'sparks' sa isa't isa habang ginagawa nila ang mga shooting para sa naturang tv program.

Noong 2005, kinumpirma nila ang pagde-date nila subalit hindi naman natuloy sa mas malalim pang relasyon ang kanilang pagtitinginan. Kahit na ganoon, patuloy pa rin ang kanilang professional relationship; sa katunayan, magkasama pa sila sa telefantasyang 'Majika' at horror movie na 'Txt.' Ngayon, ang girlfriend ni Dennis ay si Jennylyn Mercado.

Isa sa mga kontrobersyal na naging karelasyon ni Angel ay si Oyo Boy Sotto, na pinsan ng kaniyang ex na si Miko. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil wala umano silang oras para sa isa't isa. Sa ngayon ay happily married na siya kay Kristine Hermosa, na kapapanganak lamang sa 5th baby boy nila nitong Agosto.

Larawan mula sa IG/Ali Sotto

dennis trillo fb3 – Tempo – The Nation's Fastest Growing Newspaper
Larawan mula sa Tempo

Larawan mula sa IG/Oyo Boy Sotto

Noong Pebrero 14, 2011, naging usap-usapan ang Twitter post ng sikat na football player na si Phil Younghusband, na nag-aaya ng date kay Angel. Hindi ito napaunlakan ng aktres dahil hectic ang kaniyang schedule. Matapos ang kontrobersyal na tweet, inamin ng dalawa na sila ay magjowa na noong Mayo 27, 2012. Matapos ang tatlong taon, sila ay naghiwalay.

Sumunod dito ang Kapamilya host na si Luis Manzano, matapos lumipat ni Angel sa ABS-CBN. Noong 2008 na pala sila nagde-date subalit hindi rin natuloy, subalit muling nag-alab ang naudlot na pagkakagustuhan dahil nga sa pag-oober da bakod ni Angel. Noong 2016, napabalita ang kanilang paghihiwalay, at ang tinuturong dahilan ay ang aktres na si Jessy Mendiola, na pinabulaanan naman ni Luis. Ngayon, kasal na rin ang dalawa.

At ang pinakahuli nga, ang producer na si Neil Arce. Umingay ang kanilang relasyon umano noong 2017, matapos ibahagi ni Neil sa kaniyang Instagram ang larawan nila ni Angel, na may caption na 'Kapag lumingon ka, akin ka' mula sa pelikula ni Angel na ‘In the Name Of Love.’ Matagal na silang magkaibigan bago pa sila maging magkasintahan.

Ceres-Negros acquires James Younghusband for PFL – Tempo – The Nation's  Fastest Growing Newspaper
Larawan mula sa Tempo

luis manzano – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Celebrity friends cheer for newlyweds Angel Locsin, Neil Arce – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Noong Pebrero 2018, opisyal na in a relationship na ang dalawa, at tinawag pa ni Angel 'my happiness' si Neil.

Noong Hunyo 29, 2019 naman, kinumpirma na ni Angel mismo na engaged na sila ni Neil, subalit dumating nga ang pandemya noong 2020, kaya naudlot ang mga nauna nilang plano ng pagpapakasal.

At nito ngang 2021, isinagawa nang tahimik ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng civil wedding; simple lamang ang kasuotan ni Angel, sa katunayan, ni hindi nga siya nagsuot ng trahe de boda kung hindi naka-maong pants at rubber shoes pa. Ngunit aniya, masayang-masaya siya sa mga nangyari, dahil ito talaga ang gusto nila ni Neil.

Congratulations, Mr. and Mrs. Neil Arce!