Isa sa binigyang-pugay ng Barbie maker na Mattel Inc. si Professor Dame Sarah Gilbert, ang co-creator ng Oxford coronavirus vaccine o AstraZeneca, sa pamamagitan ng Barbie doll na kamukhang-kamukha nito.

Photo courtesy: Barbie/IG

Sa panayam ng “The Guardian,” sinabi nito na “very strange”sa kanya ang barbie doll, gayunman, naniniwala ito na magbibigay ito ng inspirasyon sa kabataan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

“I am passionate about inspiring the next generation of girls into Stem careers and hope that children who see my Barbie will realise how vital careers in science are to help the world around us.My wish is that my doll will show children careers they may not be aware of, like a vaccinologist,” dagdag pa ni Gilbert.

Sa professional profile nito sa official website ng University of Oxford, mahigit 10 taon na siyang gumagawa ng mga bakuna katulad ng Malaria vaccine. Marami sa kanyang mga nagawang bakuna ay sumailalim na sa clinical trials.

Sinimulan niyang pag-aralan at gawin ang coronavirus vaccine noong 2020 matapos magkaroon ng outbreak sa Wuhan, China.

Ang Oxford o AstraZeneca vaccines ay ginagamit na sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang maprotektahan ang mamamayan nito laban sa coronavirus at ilan sa mga variants nito.

Bukod kay Gilbert, binigyang-pugay din ng Mattel Inc; sina Dr. Audrey Sue Cruz, Dr. Jacqueline Goes De Jesus, Dr. Kirby White, Dr. Chika Stacy Oriuwa, at Amy O 'Sullivan, RN,bilang pasasalamat sa mga tinaguriang #Heroes.

Photo courtesy: Barbie/IG